Monday, September 15, 2025

Ground Check: Musings from our Town Hall Meetings

Aminin natin, hindi madali ang mag-ikot sa headquarters at 17 branches in 43 days. Nakakapagod. Nakakasakit ng mga kalamnan at kasu-kasuan. But I did it--because I needed to.

Hindi dahil sa compliance. Hindi dahil gusto ko mag-inspect. Hindi rin ako nangangampanya. But because I wanted to see our people--ang mga SEDPIps. To really see them. Not through reports. Not through Zoom meetings or Messenger chats. But face to face. No filter.

Kaya sa bawat branch, nagpa-town hall ako. Simple lang. Walang PowerPoint. Walang formalities. Just a few guide questions and a lot of listening and observation. At kainan pagkatapos. Aminin natin, mas magaan ang kwentuhan kapag alam mong may pagkain na naghihintay.

Sa umpisa, medyo reserved ang lahat, lalo na at may mga first-time akong makita in person. Pero habang nagpapatuloy ang usapan, nagsimulang lumabas ang mga kwento--gaano katagal sa SEDPI, paano nagrerelax, mga pangarap, ano ang saya at hirap sa branch. Doon lumabas ang mga totoo.

Kaya eto, real talk lang--mga napagtanto ko after all those town halls.

Ang daming kwento.

Akala ko mahihirapan akong ipag-open-up ang mga tao. Takot din ako dahil baka may language barrier. Pero nung nagsimula na, ayun, ang daming kwento. Turns out, all they needed was a safe space, 'yung bibigyan sila ng oras at chance para magkwento.

People crave being heard, not fixed.

Akala ko dati, leadership is about solving problems. Oo, kasama 'yan. I really wanted to have concrete actions pagkatapos ng mga town hall meetings. Pero napansin ko--hindi naman laging miracle ang hinahanap ng mga staff. Minsan gusto lang nilang maramdaman na naririnig at naiintindihan sila.

Maraming may pangarap--at hindi lang para sa sarili.

Maramin akong narinig na pangarap.
"Makapagtapos ang anak ko."
"Makapagpatayo ng sariling bahay."
"Magkaroon ng business, para makatulong sa mga kapatid at magulang."
"Makabili ng bangka para makabiyahe sa dagat at mag-relax."

May iba, binitawan ito na parang biro, pero kita ko sa mukha nila--seryoso 'yun. And you know what? Walang imposible. We've seen dreams like that come true here sa SEDPI, one step at a time.

Morale isn't just about money (but it's also not not about money)

Let's not sugarcoat it. Sweldo talaga ang karamihan sa usapan. Passion does not pay the bills. Masaya tayo sa mission, oo, pero kung busog din ang bulsa, ibang level ang energy. But to be fair, hindi lang sweldo ang nasabing nagpapataas ng morale. Staff stay not only because of what we do, but also because they feel the balance between purpose and practicality.

Hindi lahat ng happiness may budget. Minsan, bonding lang ang puhunan.

Sa lahat ng branch na pinuntahan ko, may tawa. Kahit pagod na, may biruan pa rin. Kahit busy, may asaran pa rin. And that's not just "fun"--that's survival. You're proving na pwede tayong seryoso sa trabaho pero hindi seryosohin ang lahat ng bagay. Pinatuyan din nila na pwedeng maging masaya ang bonding kahit walang budget. Simpleng laag lang sa dagat or kwentuhan sa branch, goods na.

Happiness at work is mostly in those everyday moments when people choose to stay connected instead of burned out.

Lakas ng isang branch? Hindi lang system. Tao.

Gusto mo ng branch na matino? Hindi lang 'yan dahil may BIJLI. Hindi dahil kumpleto ang reports. Pero dahil nagtutulungan ang mga tao, sinusuportahan ang isa't isa, kahit pagod. Walang manuals, guidelines, o policies ang makakatapat sa isang branch with staff that have each other's back.

Culture > Process. Always.

Pride is in the people, not just the numbers.

When I asked kung ano ang ipinagmamalaki nila sa branch, may mga nagsabi na walang backlogs, na-achieve ang target, pero mas marami ang nagsabi na proud sila sa isa't isa. And that makes me proud too.

"Proud ako kasi nagkakaintindihan kami kahit sabay-sabay ang stress."
"Proud ako kasi kahit first job ko 'to, parang pamilya ko na sila."
Magandang makita na hindi lang trabaho ang laman ng puso nila--may care at respeto rin sa isa't isa.

Walang perfect na branch. Pero lahat ng branch, may dahilan para mahalin.

Merong makalat pero masayahin. Merong tahimik pero efficient. Merong halatang pagod pero sobrang dedicated. At meron ding chaotic--but somehow, they get things done.

Perfect? Never.
But passionate? Absolutely.

Inspiration doesn't mean romanticizing sacrifice.

Hindi ibig sabihin na dahil may dedication, okay lang na magpuyat lagi o magka-burnout. Inspiration means facing the hard truths, honoring them, and still choosing to stay in the game--together. They believe in what we do, but they're watching--how we treat them, how we walk the talk.

Ideas are everywhere--and I'm listening.

Maraming practical suggestions that came out. Delegating tasks, improving systems.For me, these aren't just requests. These are signs that they care enough to imagine a better SEDPI.

Small things aren't small when you're in the field. Minsan, ang pagbibigay ng helmet at raincoat earns more goodwill than a whole-day webinar on employee empowerment.

Hope shows up in strange places.

Nandiyan ang mga FIOs na sumasakay ng bangka para makapunta sa center, o 'yung BM na nagsisilbing inspiration sa mga branch staff dahil sa sipag. Kahit maraming bagong staff, nagkakaroon ako ng hope na magpapatuloy ang SEDPI with these new bloods na naniniwala sa ginagawa ng SEDPI.

They are people who've chosen, for now, to believe in something bigger than themselves.

Leadership is not always about direction. Sometimes, it's just presence.

Noong bumisita ako sa mga branches, wala kaming pinag-usapang mga tasks. Wala akong dinelegate. I did not promise anything. But I showed up, asked questions, and listened. At minsan, sapat na yun. I realized that sometimes leadership isn't just about giving direction. It's also about showing up, being present, and letting people know: "nakita tika, ug proud kaayo ko nimo."

Appreciation should never be optional.

Sa dulo ng meeting, may appreciation notes. Hindi binasa 'yung mga para sa ka-branch nila--para sa kanila lang 'yon. Ginawa ring anonymous para mas malayang makapagsabi. Kahit maliit lang na pasasalamat, malaki ang epekto. Dapat parte ito ng araw-araw, hindi lang tuwing may town hall meeting.

The farther I went, the clearer things became.

Hindi ito tungkol sa pag-monitor ng mga staff.
Ito'y tungkol sa pag-intindi sa tao. 
At habang lumalayo ako sa comfort zone ko, mas lumilinaw ang dahilan kung bakit ko ginagawa 'to.

Hindi para lang mag-lead.
Pero para alalahanin kung bakit ako nag-stay.

So, worth it ba ang 43 days on the road?

Oo.
Kahit nakakapagod.
Kahit napakabigat ng bagahe.
Kapoy pero worth it.
Kasi kahit sa kaguluhan, may kwento.
Kahit sa hirap, may dahilan.
At kahit minsan nakakainis, SEDPI pa rin 'to. Tayo pa rin 'to.

At para sa mga SEDPIps, salamat sa pag-welcome ninyo sa akin, sa kwento ninyo, ug sa init ng pagtanggap ninyo. I may be the CEO, pero sa trip na ito, I was just Dimples--visiting friends, sharing a meal, and remembering why I stayed all these years.


Yun na! Pak!

No comments:

Post a Comment