Tuesday, April 12, 2011

on expressing our feelings

Habang nakikipag-usap ako sa isa sa malapit kong kaibigan, nasambit ko ang mga katagang ito...


"may kanya-kanya tayong ways ng pag-express ng feelings at pagtanggap ng expression ng feelings ng iba."



Naniniwala ako na lahat tayo ay may karapatang magpahayag, maging opinyon man ito o saloobin. Naniniwala rin ako na paminsan-minsan, kinakailangan nating sabihin ang sinasaloob natin, kahit pa maaari itong makasakit ng iba. Ang mahalaga ay may matutunan tayo mula sa mga ito at may gawin tayong aksyon upang hindi lamang manatiling reklamo ang mga pagpapahayag na ito. (Ngunit sa palagay ko ay paminsan-minsan, nakakatulong din sa atin ang pagrereklamo lang. Sa Inggles ay ranting. Nakakawala ng stress.)


Isa sa pinakamagandang aral na naituro sa akin ng SEDPI (na minsan din ay lubos kong kinaiinisan) ay huwag kang magreklamo nang wala kang maimumungkahing solusyon. Dahil kung hindi, ikaw ay namimintas lamang.


Yun na! Pak!