Habang nakikipag-usap ako sa isa sa malapit kong kaibigan, nasambit ko ang mga katagang ito...
"may kanya-kanya tayong ways ng pag-express ng feelings at pagtanggap ng expression ng feelings ng iba."
Naniniwala ako na lahat tayo ay may karapatang magpahayag, maging opinyon man ito o saloobin. Naniniwala rin ako na paminsan-minsan, kinakailangan nating sabihin ang sinasaloob natin, kahit pa maaari itong makasakit ng iba. Ang mahalaga ay may matutunan tayo mula sa mga ito at may gawin tayong aksyon upang hindi lamang manatiling reklamo ang mga pagpapahayag na ito. (Ngunit sa palagay ko ay paminsan-minsan, nakakatulong din sa atin ang pagrereklamo lang. Sa Inggles ay ranting. Nakakawala ng stress.)
Isa sa pinakamagandang aral na naituro sa akin ng SEDPI (na minsan din ay lubos kong kinaiinisan) ay huwag kang magreklamo nang wala kang maimumungkahing solusyon. Dahil kung hindi, ikaw ay namimintas lamang.
Yun na! Pak!
Dimps, sobrang nakakarelate ako dito. Palagay ko kasi notorious ako sa pagiging mapagpahayag ng saloobin, hehe. Agree ako na minsan nakakabuti ang pagrereklamo LANG. Di lang nakakawala ng stress pero isa rin itong senyal na buhay ka pa (hindi ka pa robot lang na taga-sunod lang)at nag-iisip at nakakaramdam.
ReplyDeleteAt pareho din tayong naiinis minsan dun sa aral na yun galing SEDPI. Kasi diba, paano kung alam mong mali pero hindi mo lang talaga alam kung anong pwedeng gawin (dahil hindi ka knowledgeable, for instance). Dahil wala kang solusyon na ma-iooffer quiet ka na lang kundi masasabi ngang reklamador ka lang talaga o kaya yun nga, namimintas lang.
Haha, mas mahaba pa ang comment na 'to sa post mo. Siya, yun na.=)
OMG, karen! binabasa mo ang blog ko?! nakakahiya. bwahaha. pero tama, kanya-kanya lang na pagpapahayag. walang basagan ng trip! haha.
ReplyDeletewe miss you karen! haha.
Oo 'no!ni-link nga kita sa blog ko eh pero di nag-appear so uulitin ko na lang haha. Dimplesssss, naririnig ko yung boses mo habang nagbabasa ng mga post mo, hahaha, funny lang.
ReplyDeleteMiss ko na rin kayo!:D
karen! so tama ba ang ginagawa ko? bilang newbie sa blogging. chos! haha.
ReplyDelete