Ang bigat sa heart panooring ng Pilipinas ngayon.
Impeachment. Senate coup. ICC warrants. Mga balimbing na pulitiko. Mga dating "united" na ngayo'y nagsisiraan. Mga political drama na mas matindi pa sa teleserye.
At tayong mga ordinaryong Pilipino ang naiipit at patuloy na naghihirap. Paulit-ulit na lang. Hindi tayo nadadala.
Nakakapagod na.
Nakakapagod makita na mas mahalaga pa minsan ang apelyido kaysa prinsipyo. Mas malakas ang blind loyalty kaysa katotohanan. At kapag may pinapanagot, automatic na "political persecution" agad—kahit may ebidensya naman.
Hindi ko na alam kung anong emoji ang gagamitin ko—kung galit pa ba ito o lungkot.
Kasi ang totoo, hindi lang naman mga pulitiko ang problema. Mas malalim na yung sakit. Sistema na mismo ang nasanay sa palakasan, sa siraan, at pagsamba sa personalidad kaysa sa maayos at disenteng pamamahala.
Ang sakit lang isipin na ang daming Pilipinong matitino at masisipag, na ang tanging gusto lang ay umasenso at mabuhay nang marangal. Pero paulit-ulit tayong napupunta sa politika ng kampihan imbes na pananagutan. Sa propaganda. Sa fandom politics. Sa ingay.
Juskodai...
Hindi mo kailangang maging aktibista para magtanong.
Hindi mo kailangang maging bayaran para manindigan.
Hindi mo kailangan maging eksperto para humingi ng accountability.
At hind mo kailangan sambahin ang kahit sinong politiko.
Huwag sana tayong masanay sa gantiong pangga-g@g* sa atin ng mga mapagsamantalang pulitiko na may kanya-kanyang pansariling interest. Kasi kapag tumigil tayong mag-isip, magtanong, at makialam, mas lalong lalakas ang mga taong umaasang mananahimik na lang tayo.
Sana dumating 'yung panahon na mas mahal natin ang Pilipinas kaysa sa pagtatanggol sa mga idolo natin. Na mas importante ang bayan kaysa sa pride nating amining nagkamali tayo sa sinuportahan natin.
Kasi hindi nakakahiyang magbago ng isip.
Ang nakakahiya, 'yung kitang-kita mo nang mali pero palakpak ka pa rin.
Juskodai, Pilipins!!!!
'Yun na! Pak!